Para makabuo ng malakas na Nat’l cage team: Komunikasyon sa stakeholders palakasin
MANILA, Philippines - Lahat ng problema ay maisasaayos gamit ang magandang komunikasyon.
Ito ang sinabi ni SBP executive director Sonny Barrios na buo pa rin ang paniniwalang makakaporma ng malakas na Pambansang koponan ang SBP para ilaban sa malalaking basketball tournaments sa 2013.
Tampok na torneo ay ang FIBA Asia men’s championship na isang qualifying event at ang mangungunang tatlong koponan ang aabante sa 2014 FIBA World Basketball Cup sa Spain.
Sa ngayon ay nagkakaroon ng problema ang Gilas II na hawak ni coach Chot Reyes dahil ilang manlalaro na nais niyang makuha ay maaaring hindi puwede dahil tumatakbo ang laro sa Philippine Basketball Association (PBA).
“Si commissioner Chito Salud ay laging uma-attend ng aming miting at mga PBA officials kaya alam kong supportive sila. Ang kailangan lamang ay open communication para maayos ang mga dapat na ayusin,” wika ni Barrios.
Kahit si SBP president Manny V. Pangilinan sa kanyang mensahe sa National Congress sa Meralco Compound noong Biyernes ay ganito rin ang ipinarating sa mga nasasakupan.
“In striving for the goal of better Philippine basketball in the next four years, dialogue and communication with the stakeholders of basketball in this country must be broadened and encouraged. We continue to see this need for cooperation in the formation of national teams where scheduling issues arises,” wika ni Pangilinan.
Nagbalik na noong Biyernes ng gabi ang pagsasanay ng Gilas II matapos lumaro at tumapos sa pang-apat na puwesto sa FIBA Asia sa Tokyo, Japan noong Setyembre. Pero hindi nagsidatingan ang mga inimbitahang manlalaro ni Reyes mula sa koponang nasa bakuran ng San Miguel.
Sina Arwind Santos at 6’10 Jun Mar Fajardo ng Petron ay hindi nakasipot sa pagsasanay sa Meralco gym.
Ang mga kasapi ng cadet players sa pangunguna ng mga U-17 standouts Arvin Tolentino, Mario Bonleon at JV Mocon ay sinamahan ng mga pros na sina JayR Reyes, Ronjay Buenafe at KG Canaleta na dumalo sa unang araw sa 10 araw na pagsasanay.
Si Gary David ay sumipot pero hindi siya puwedeng maglaro dahil sa injury na siya ring estado ni pointguard kaya’t naghahanap si Reyes ng pamalit.
Kung patuloy na ganito ang mangyayari, huling opsiyon ni Reyes ay ang tapikin ang mga manlalaro ng Talk N’ Text at Meralco na pag-aari ni MVP bukod pa sa PBA D-League champion team NLEX.
“May job is to build the best team with the material given me. We’re doing our best under this circumstances,” dagdag ni Reyes.
Sa pamumuno ni naturalized player 6’10 center Marcus Douthit, ang nationals ay naghahanda para sa dalawang invitational tournament na gagawin sa Dubai at Hong Kong sa petsang Enero 11 hanggang 19 at 22 hanggang 29.
- Latest