Lions pinaghandaan ng Azkals
SINGAPORE--Naghanda ang Philippine Azkals ng dalawang taon para sa tsansang ito.
Ngayon, kailangan nilang magtiyaga ng 90 minuto para makamit ang kanilang pangarap.
Sasagupain ng Azkals ang three-time winners Singapore ngayong alas-8 ng gabi sa second leg ng kanilang semifinal tie para sa 2012 AFF Suzuki Cup.
“The past two years have been spent preparing for the next Suzuki Cup and we’ve always been saying this is what we’re getting into for. So ngayong andito na, we don’t want to settle for just another semifinal appearance, even if it’s actually already a big achievement considering what we’re been through,” wika ni Azkals manager Dan Palami.
Isang scoreless draw ang naging resulta ng unang pagkikita ng Azkals at Lions sa first leg noong Sabado sa Rizal Memorial Stadium.
Ang panalo ng Azkals laban sa Lions sa Jalan Besar Stadium ang mag-aakay sa mga Pinoy sa two-leg championship.
“This is the semifinal of the Suzuki Cup so we’d be crazy to go all guns blazing from the first minute,” wika naman ni defender Rob Gier, ang co-team captain at nagsisilbing scout.
- Latest


















