^

PSN Palaro

Mindanao lumakas ang laban sa kampeonato

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinalakas pa ng mga atleta ng Mindanao ang laban sa 7th BIMP-Eaga Friendship Games nang manalo sa tennis at pool events na ginagawa sa SOCSARGEN.

Sina Jennis Celine Dizon at Rubylito Saga ang siyang hinirang na kampeon sa women’s at men’s singles laban sa mga kababayan sa tennis na nilaro sa General Santos City.

Tinalo ni Dizon si Precean Rivera, 3-6, 6-1, 10-3, habang si Saga ay nanaig kay Jhun Alcoseba, 6-4, 6-3.

May dalawang ginto naman si Tiara Tudio sa swimming events sa South Cotabato Sports Complex.

Nanalo ang 18-anyos na si Tudio, na mag-aaral ng UP at kumukuha ng kursong sports science, sa girls; 50-meter at 200m breast stroke.

May 36.90 segundo oras si Tudio sa 50-m para manalo laban kina Freda Cheng ng Sabah (37.20) at Sarah Ann Thopr ng Sarawak (38.28) habang gumawa siya ng 2:56.56 sa 200m breast upang maliitin ang hamon nina Elly Xin Ping ng Sabah (3:03.98) at Pinay swimmer Samantha Cambronero (3:06.15).

Nagpaparamdam naman ang mga dayuhang tankers na sina Chris Tan Li Ling, Wilson Sheng at Freda Cheng Ru matapos makalangoy sa tig-limang ginto.

Si Ling na kasama ni Ru sa Sabah ay nagkampeon sa girls’ 100m at 200m back, 400m individual medley, 400m medley relay at 4x200m relay kasama si Ru na kampeon sa 50m at 100m fly, 400m free at 4x100m relay.

vuukle comment

CHRIS TAN LI LING

EAGA FRIENDSHIP GAMES

ELLY XIN PING

FREDA CHENG

FREDA CHENG RU

GENERAL SANTOS CITY

JHUN ALCOSEBA

PRECEAN RIVERA

RU

RUBYLITO SAGA

SABAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with