^

PSN Palaro

POC-PSC Batang Pinoy Finals 32 gold pag-aagawan sa athletics

RC - Pilipino Star Ngayon

ILOILO CITY--Kabu­uang 32 gold medals ang ipamimigay sa Day One ng athletics event sa paghataw ngayon ng Philippine Sports Commission-Philippine Olympic Committee Batang Pinoy 2012 Natio­nals Finals dito sa  Iloilo City Sports Complex matapos makansela ang mga laro dahil sa bagyong si ‘Pablo’.

Ang mga lalatagan ng gintong medalya sa athletics ay sa 5,000 meter at 2,000-meter run, long jump, shot put, high jump, 400-meter, 100-meter hurdles, 110-meter hurdles, 100-meter, 1,500-meter at 4x100-meter relay para sa girls at boys in 13-under at sa 14-15 years old divisions.

Maghahanay rin ng mga gold medals sa swimming competition bagamat hindi pa nailalabas ng mga organizers ang final schedule.

Pawang mga finals din ang makikita sa wushu nga­yong araw sa Jaro Plaza covered court sa sanda at taolu events at maging sa taekwondo sa Western Institute Technology co­vered gym at archery sa La Paz football field.  

Isang three-day sche­dule ang inilabas ng PSC sa hangaring mabigyan ng pagkakataon ang mga atletang na-stranded dahil sa pagtama ng bagyo sa Visa­yas at Mindanao regions.

Ang mga hindi nakara­ ting dito ay ang mga boxer mula sa Davao del Norte, Panabo at Bago City.

BAGO CITY

DAY ONE

ILOILO CITY SPORTS COMPLEX

JARO PLAZA

LA PAZ

METER

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION-PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE BATANG PINOY

SHY

WESTERN INSTITUTE TECHNOLOGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with