^

PSN Palaro

88th NCAA Women’s Volleyball: Lady Altas tinuhog ang Lady Stags

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang sunod na error mula sa ka­ribal ang nagbigay sa nagdedepensang kampeon na Perpetual Help ng 25-19, 22-25, 25-14, 20-25, 21-19, panalo laban sa multi-titled San Sebastian sa pagbabalik-aksyon sa 88th NCAA women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan, City.

Si Honey Rose Tubino at Sandra De­los Santos ang mga nagdala sa laro ng Lady  Altas upang makuha ang ikalawang sunod na panalo at mapanatili ang kapit sa liderato.

May 28 puntos si Tubino mula sa 21 hits at pitong blocks habang 27 ang ibinigay ni Delos Santos na kinatampukan ng 10 blocks, 14 kills at 3 service aces.

Nasayang ang 28 attack points ni Gretchel Soltones dahil bumaba sa 1-1 ang karta ng Lady Stags matapos bumigay ang laro sa labang umabot ng isang oras at 49 minuto.

Tinuhog naman ng Emilio Aguinaldo College Lady Generals ang unang panalo sa torneo sa pamamagitan ng 25-16, 15-25, 25-15, 25-21, tagumpay sa Letran Lady Knights sa naunang tagisan.

May walong service aces si Ivy Ange­line Carlos na tumapos taglay ang 13 hits upang suportahan ang 17 kills tungo sa 19 puntos ni Charmille Belleza para ipalasap sa Lady Knights  ang kanilang unang pagkatalo.

vuukle comment

CHARMILLE BELLEZA

DELOS SANTOS

EMILIO AGUINALDO COLLEGE LADY GENERALS

GRETCHEL SOLTONES

IVY ANGE

LADY KNIGHTS

LADY STAGS

LETRAN LADY KNIGHTS

PERPETUAL HELP

SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with