^

PSN Palaro

Slaughter maglalaro na sa NLEX

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masusukat ngayon ni NLEX Road Warriors coach Boyet Fernandez ang pinalakas niyang line-up sa pagharap sa inspira­dong Cagayan Rising Suns sa PBA D-League As­pirants’ Cup ngayon sa JCSGO sa Cubao, Quezon City.

Sa unang pagkakataon ay magagamit ng Road Warriors si 7-footer Greg Slaughter upang makatulong sa asam na ikapitong sunod na panalo at ika-24 sunod sa pangkalahatan.

Ang tagisan ay itinakda sa alas-2 ng hapon matapos ang unang laro sa pa­gitan ng Informatics at Blackwater Sports sa alas-12 ng tanghali.

Hanap ng Elite ang ika­apat na panalo sa limang laro.

Si Slaughter, tinulungan ang Ateneo na makamit ang ika-limang titulo sa UAAP, ay makakalaro na da­hil nakuha na ang doku­mento na hinihingi ng liga mula sa Bureau of Immi­gration and Deportation.

“Malakas ang Cagayan sa rebounding kaya’t ito ang maitutulong ni Greg sa amin,” wika ni coach Boyet Fernandez.

Pero hindi naman da­pat na iasa lamang kay Slaughter ang laban kundi dapat ay manatili ang tikas ng ibang manlalaro.

vuukle comment

BLACKWATER SPORTS

BOYET FERNANDEZ

BUREAU OF IMMI

CAGAYAN RISING SUNS

D-LEAGUE AS

GREG SLAUGHTER

QUEZON CITY

ROAD WARRIORS

SHY

SI SLAUGHTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with