^

PSN Palaro

Abaniel muling magtatangka sa titulo vs Thai boxer

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Handa na uli si Gret­chen Abaniel na maging world champion sa lara­ngan ng women’s boxing.

Lalabanan ni Abaniel si Thai boxer Modthanoi Sithsai­thong ngayong ha­pon sa Makati Cinema Square para paglabanan ang bakanteng Women’s International Bo­xing Association (WIBA) minimumweight title.

Dating titulo ito ni  Aba­niel ngunit naisuko noong na­talo kay Samson Tor Buamas ng Thailand no­ong 2011.

Sinikap ni Abaniel na ma­kabalik sa pagiging isang world champion pero lumagapak siya sa kamay nina Katrina Gutierrez ng Mexico at Teeraporn Pannimit ng Thailand para sa IBA at WBO minimumweight titles.

Tiniyak naman ng 27-anyos tubong Puerto Princesa City, Palawan na handa na siya para harapin ang hamon ni Sithsaithong na may limang panalo sa anim na laban.

“Mahalaga ang laban na ito para sa akin dahil ma­gagamit ko ito bilang stepping stone para makilala uli at makalaban ang mga mahuhusay na female bo­xers sa mundo,” wika ni Abaniel na tumimbang ng 100-pounds sa weigh-in kahapon.

Ipaparada ni Abaniel ang 11-4 kasama ang 2 KO karta sa pagsukat kay Sithsaithong na kahit limitado pa lamang ang laban sa boxing ay hindi puwedeng biruin dahil beterano ito ng laban sa muay thai.

Ang fight card ay handog ng Team Insider at magsisilbing panghimagas sa main event ang pagtutuos nina Roman Canto at Ruben Manakane ng In­donesia.

Magtutuos din sina Ricky Dulay at Gilbert Donasales sa isa pang laban.

Si Dulay ay dating nag­balak na masama sa national team pero nabigo kaya’t nagdesisyon na mag-pro sa ilalim ng Team Insider.

ABANIEL

GILBERT DONASALES

INTERNATIONAL BO

KATRINA GUTIERREZ

MAKATI CINEMA SQUARE

MODTHANOI SITHSAI

PUERTO PRINCESA CITY

RICKY DULAY

SHY

TEAM INSIDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with