^

PSN Palaro

Mayor Hagedorn-NAMSSA Moto finals pakakawalan ngayon sa Speedworld

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Idaraos ngayon ang ika­siyam at huling round ng Mayor Edward Hagedorn-National Motorcycle Sports and Safety Association (NAMSSA)  sa Speedworld MX Circuit sa SM Bicutan sa Parañaque City.

Nasa 14 kategorya ang paglalabanan sa karera at ang aksyon ay gagawin mula alas-9 ng umaga hang­gang alas-5 ng hapon.

Ang registration ay ga­gawin mula alas-7 ng umaga habang isang fellowship ang gagawin sa gabi at isasabay rito ang awarding ceremony.

Si Puerto Princesa City Mayor Hagedorn ay inaasahang manonood ng tagisan dahil kasabay sa karera ang pagbibigay ng parangal sa kanya ng NAMSSA dahil sa kanyang walang sawang pagsuporta sa motocross.

Ang Puerto Princesa ang siyang palagiang nagtataguyod sa Philippine leg ng FIM Asia Motocross Supercross Championship (AMSC).

May basbas ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC), ang karerang ito ng NAMSSA ay bahagi sa kanilang grassroots development program sa hangaring ma­katuklas pa ng mga ma­huhusay na riders na maaaring pakinabangan ng bansa sa mga susunod na malalaking torneo.

Ang mga tinitingala sa ngayon ay sina Kenneth San Andres at Mark Reggie Flores.

Si San Andres ay tumapos sa pang-apat sa overall sa Asian 125 sa huling yugto ng 2012 AMSC noong nakaraang taon habang si Flores ay kampeon pa rin sa Asian Junior 85cc division.

Si Flores ay bibigyan ng pagkilala ng FIM Asia sa Disyembre 14 sa FIM Asia Gala Awards Ceremony sa Bali, Indonesia.

Ang mga kikilalaning kampeon at runner-up sa iba’t ibang categorya sa 2012 NAMSSA National Motocross Development Program ay tatanggap ng parangal sa taunang NAMSSA Gala Awards Ceremony sa Eden Night Club sa Eastwood, Libis, Quezon City sa Dec. 19.

 

ANG PUERTO PRINCESA

ASIA GALA AWARDS CEREMONY

ASIA MOTOCROSS SUPERCROSS CHAMPIONSHIP

ASIAN JUNIOR

EDEN NIGHT CLUB

GALA AWARDS CEREMONY

KENNETH SAN ANDRES

MARK REGGIE FLORES

MAYOR EDWARD HAGEDORN-NATIONAL MOTORCYCLE SPORTS AND SAFETY ASSOCIATION

NATIONAL MOTOCROSS DEVELOPMENT PROGRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with