^

PSN Palaro

Aussies diniskaril ang Pinoy netters

Pilipino Star Ngayon

 MANILA, Philippines - Umiskor ng magkahiwalay na panalo sina No. 3 seed Brian Tran at Melissa Esguerra ng Australia para makapasok sa tournament proper ng Phinma International Juniors Tennis Championships kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Tinalo ni Tran si Stefan Suarez, 7-6 (5), 6-3, samantalang binigo ni Esguerra si Dominique Ong, 6-2, 6-2, sa event na itinataguyod ng Technifibre (official ball), Viva (official mineral water) at Powerade (official energy drink) at suportado ng Philippine Sports Commission.

Nauna nang dinispatsa ni Ong si Adelya Karaalp ng US, 6-2, 6-1, bago yumukod kay Esguerra sa huling araw ng two-day eliminations.

Iginupo naman ni Suarez ang kaba­ba­­yang si Mart Cabahug, 6-2, 6-2, subalit natalo kay Tran.

Tanging sina Jurence Mendoza at ang 13-anyos na si Alberto Lim ang kakampanya para sa bansa sa boys’ division, habang sina Maika Tanpoco at Marian Capadocia ang sasabak sa girls’ class.

Samantala, natalo naman sina Nicole Amistad at Charito Capadocia kina top seed Flyora Shiyanova at Lisa-Marie Rioux ng Japan, 6-1, 6-1, at giniba ni No. 2 Ning Hai ng China si Jzash Canja, 6-3, 6-1.

Makakasama ng 16-anyos na si Men­doza sa 32-player draw sa boys’ division sina Wei Jen Chen ng Taiwan, Teeradon Tortrakul ng Thailand, Xin Chen ng China,  Daniel Nolan ng Australia at Ahmed Deedat Abdul Razak ng Malaysia.

ADELYA KARAALP

AHMED DEEDAT ABDUL RAZAK

ALBERTO LIM

BRIAN TRAN

CHARITO CAPADOCIA

DANIEL NOLAN

DOMINIQUE ONG

ESGUERRA

FLYORA SHIYANOVA

JURENCE MENDOZA

JZASH CANJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
16 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with