^

PSN Palaro

Pacquiao pinabagsak ang BIR sa kaso ng tax records

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinasura kahapon ng Department of Justice (DOJ) ang kasong isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban kay Filipino bo­xing superstar  Manny Pac­quiao.

Sa isang eight-page re­solution, sinabi ng DOJ na hindi dapat managot si Pac­quiao ukol sa hindi niya pag­sunod sa BIR subpoena na hindi naman niya natanggap.

Ayon sa DOJ, ang pagdadala ni BIR Officer Abdul Jalil J. Taratingan ng subpoena sa General Santos Ci­ty na sinasabing natanggap ni Jocelyn Nebria ay ta­liwas sa Revenue Memo­ran­dum Order No. 88-2010 na nag-uutos na personal itong ihatid sa mismong tao.

“It is only upon refusal of the person being summo­ned to receive the subpoena that a substituted service can be availed,” sabi ng DOJ.

Inihayag ng DOJ na da­hil walang reklamo si Pacquiao sa pagtanggap niya ng subpoena, ang BIR case ay ‘irregular’ at ‘ineffectual

“The service of summons is, indeed, a vital and in­dispensable ingredient of due process. Such denial of res­pondent’s vital right cons­titutes a serious infirmity in the proceedings which led to the filing of this case against him,” wika ng DOJ sa kanilang resolusyon.

Inakusahan ng BIR si Pac­quiao ng paglabag sa Sec­tion 266 ng Republic Act 8424 na mas kilala bilang Na­tional Internal Revenue Code of the Philippines.

Sinabi ni BIR regional director Rozil Lozares na hindi pinansin ni Pacquiao ang kahilingan nilang iprisinta ng Sa­rangani Congressman ang kanyang tax records.

 

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DEPARTMENT OF JUSTICE

GENERAL SANTOS CI

INTERNAL REVENUE CODE OF THE PHILIPPINES

JOCELYN NEBRIA

MANNY PAC

OFFICER ABDUL JALIL J

ORDER NO

PACQUIAO

REPUBLIC ACT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with