^

PSN Palaro

Pagbibitiw ni Alas tinanggap na ng Letran

JVillar - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang taong magpapa­hinga ang nagbitiw na si Le­tran coach Louie Alas upang bigyan ng respeto ang koponang pinagsilbihan ng 12 taon.

Pormal na tinanggap ka­hapon ni Letran rector Fr. Tamerlane Lana, O.P. ang liham ng pagbibitiw ni Alas na magiging epektibo sa Disyembre 31 na kung saan mapapaso rin ang kanyang pinirmahang kontrata.

“It’s a self-imposed one-year sabbatical. It will be disrespectful for Letran if I entertain offers from other college schools,” wika ni Alas.

Hindi na rin siya ang hahawak sa Knights sa pagla­laro sa Philippine Collegiate Champions League at ipagkakatiwala ang koponan sa mga assistants na sina Kris Reyes at Justiniano Pinat.

Sa desisyon na magpa­hinga muna, tuluyan na ring  isinara ni Alas ang mga haka-haka na siya ang papalit na headcoach sa Ateneo Blue Eagles sa UAAP.

Ang 49-anyos na si Alas na dating naglaro sa Adamson University at nanilbihan bilang coach sa MBA, PBL, PBA at national team ay napasok sa Letran noong 2000 at binigyan ng titulo noong 1998, 2003 at 2005.

Naipasok ni Alas ang Knights sa championship round sa 2012 NCAA season kahit nagtala lamang ng 4-5 karta sa first round.

Nahiritan ng Knights ng do-or-die game three ang San Beda pero minalas at naging malamig ang mga kamador para lasapin ang 67-39 kabiguan.

ADAMSON UNIVERSITY

ALAS

ATENEO BLUE EAGLES

JUSTINIANO PINAT

KRIS REYES

LETRAN

LOUIE ALAS

PHILIPPINE COLLEGIATE CHAMPIONS LEAGUE

SAN BEDA

TAMERLANE LANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with