Coach Louie hihikayatin pa ring manatili sa Letran Knights
MANILA, Philippines - Bagamat inaprubahan na ni school rector at Season 88 NCAA president Fr. Tamerlane Lana, OP ang pagbibitiw ni Louie Alas bilang head coach ng Knights, kukumbinsihin pa rin siya ni NCAA Management Committee chairman Fr. Vic Calvo, OP na manatili.
“Personally, I’m still pitching for Louie, for me, he’s still the best coach,” ani Calvo kahapon sa PSA sports forum sa Shakey’s Malate.
Magtatapos ang termino ng 49-anyos na si Alas sa Disyembre 31.
“Louie is still our coach, he conducted practice earlier. His contract will end Dec. 31, we still don’t know what will happen between today and Dec. 31,” ani Calvo.
Iinaprubahan ni Lana ang pagbibitiw ni Alas matapos ang ilang serye ng pakikipagpulong.
Sa kabuuang 14 seasons, nakapagbigay si Alas ng tatlong NCAA crowns sa Letran noong 1998, 2003 at 2005.
“My resignation has been approved, its effectivity is on Dec. 31 to have smooth transtion,” sabi ni Alas.
Sina assistant coaches Kris Reyes at Tino Pinat ang mamamahala sa Knights sa pagsabak sa darating na Philippine Collegiate Champions League Sweet 16.
“Coaches Kris Reyes and Tino Pinat will stay until the same date and they will call the shots in the meantime,” wika ni Alas.
Matapos ang 39-67 kabiguan ng Knights sa nagkampeong San Beda Red Lions sa Game Three ng 88th NCAA Finals ay sinabi ni Alas na hindi na siya hihingi ng contract extension sa Letran.
Sina Kris at Kevin ang mga anak ni Alas sa koponan ng Knights.
Si Alas ay kasalukuyang kasama sa coaching staff ni Luigi Trillo sa Alaska Aces sa PBA.
- Latest