NLEX, Blackwater nagwagi
MANILA, Philippines - Sa panahong namemeligro ang kanilang winning streak, sinandalan ng NLEX Road Warrior ang tibay sa depensa para maitakas ang 91-87 panalo laban sa Jose Rizal University sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Yñares Sports Arena sa Pasig City.
Dalawang errors ang hinirit ng Road Warriors laban kay Kenneth Ighalo sa huling 14.5 segundo para mailista ang kanilang ikatlong sunod at ika-20 diretso sa kabuuan.
Lumamang ng 20 puntos ang Road Warriors sa first half pero nagbago ang takbo sa second half at ang 15-0 bomba ng Heavy Bombers ang nagresulta sa 67-78 ng JRU sa 5:12 sa orasan.
Si RR Garcia ay nagsalpak ng tres para ilapit ang koponan sa 87-86.
May 17 puntos at 10 rebounds si Jake Pascual.
Sinandalan naman ng Blackwater Sports ang 28-10 palitan sa ikalawang yugto patungo sa madaling 84-60 panalo kontra sa Boracay Rum sa ikalawang laro.
NLEX 91 -- J. Pascual 17, Sanggalang 15, Garcia 10, Pascual R. 9, Lanete 9, Alas 8, Camson 7, Salva 6, Long 4, Sumalinog 4, Hermida 2, Amer 0, Ganuelas 0.
JRU 87 – Acidre 21, Mirza 19, Maiquez 14, Ighalo 11, Pinto 8, Miranda 6, Caperal 4, Villarias 2, Apinan 2, Lopez 0, Almario 0.
Quarterscores: 26-17; 45-33; 67-63; 91-87.
- Latest