Westbrook nagbida sa pananaig ng Thunder
AUBURN HILLS, Mich. -- Naglaro sa kanilang pang apat na asignatura sa pang limang gabi, bumangon ang Oklahoma City Thunder mula sa malamyang simula para kunin ang 92-90 panalo laban sa Detroit Pistons.
Umiskor si Russell Westbrook ng season-high 33 points at nagbida sa ratsada ng Thunder sa fourth quarter para ipagdiwang ang kanyang pang 24 kaarawan.
Itinaas ng nagdedepensang Western Conference champions ang kanilang baraha sa 6-2 tampok ang limang sunod na panalo.
Nahulog naman ang Pistons sa 0-8 record.
Nagtala din si Westbrook ng 10 rebounds at 4 assists para sa Thunder na bumawi sa 62-73 pagkakaiwan upang agawin ang unahan sa 75-73 sa 8:11 sa final canto.
Nagposte si Kevin Durant, ng 26 points at 9 rebounds at nagsalpak ng isang running shot sa huling 47.8 segundo na nagbigay sa Oklahoma City ng 88-85 abante.
Sa El Segundo, California, sa kanyang pag-uwi ay nabasa ni Pau Gasol sa kanyang Twitter ang balita, habang nakatanggap naman si Dwight Howard ng isang text mula sa kanyang BlackBerry.
Kagaya nina Gasol at Howard, marami ding fans ng Los Angeles Lakers ang nagulat sa balita.
Habang inaasahan nilang muling uupo sa bench si coach Phil Jackson, si Mike D’Antoni ang siyang mamamahala sa Lakers.
Si D’Antoni ang opisyal na papalit sa sinibak na si head coach Mike Brown.
- Latest
- Trending