^

PSN Palaro

Davao dumikit na sa Zamboanga

Pilipino Star Ngayon

DAPITAN CITY, Philippines – Sa pamamayagpag ni Dara Clariza Evangelista sa swimming pool, nakalapit ang Davao City sa nangungunang Zamboanga City mula sa kanilang mga panalo sa arnis, table tennis, chess at badminton sa Philippine Olympic Committee-Philippine Sports Commission Batang Pinoy 2012 Mindanao leg.

Binanderahan ng 15-anyos na si Evangelista ang Da­vao City sa pagsikwat sa gold medal sa girls 15-under 200-meter medley relay para sa kanyang pang limang gintong medalya.

Nauna nang kinuha ng 5-foot-5 na si Evangelista ang mga gold sa 15-under 50m freestyle, 400m free, 200m free at 800m free para pangunahan ang siyam na pinitas ng Davao City sa swimming pool.

Pitong ginto naman ang ibinulsa ng Zamboanga City sa likod ni Glenn Adrian Arsula na kinopo ang kanyang ikatlo mula sa panalo sa boys 11-12 200m free.

Kumamada rin ang Davao City sa arnis mula sa hinakot na 5-gold  habang, dalawang ginto ang itinakbo naman ng Cagayan de Oro. Kumuha rin ang Davao ng 2 pang gold sa chess para palakasin ang kanilang kampanya.

 

BINANDERAHAN

CITY

DARA CLARIZA EVANGELISTA

DAVAO

DAVAO CITY

EVANGELISTA

GLENN ADRIAN ARSULA

KUMAMADA

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE-PHILIPPINE SPORTS COMMISSION BATANG PINOY

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with