World Cable Wakeboard Championships: Mga French riders naman ang nagpasiklab
MANILA, Philippines - Ginamit ni Frenchman Raphael Menconi ang kanyang eksperyensa para pagharian ang veterans men’s crown sa World Cable Wakeboard Championships 2012 kahapon sa Deca Clark Wakeboard Park sa Angeles City, Pampanga.
Nakakolekta si Menconi, nagkampeon sa nakaraang European Championships sa Toulouse noong Setyembre, ng 75 points upang talunin sina German pride Wolfram Wagner at Great Britain bet Lee Mart.
Nagtala si Wagner ng 68.67 points mula sa kanyang 69-68-69, habang may 64-64-64 si Mark sa nasabing six-day event na suportado ng Rixen Cableways, IWWF Wakeboard 2020 Vision, Smart, Gatorade, Deca Homes, Stoked Inc, RipCurl, Monster Energy Drink, Devant LED TV, Bacardi, Department of Tourism Region 3, Aktion Parks, Plus Event Marketing at inorganisa ng Eventking Corp.
Pinamahalaan naman ni Clement De Premonville ng France ang junior men sa kanyang 83.33 points laban kina Moritz Thiele (78 points) at Marcel Tilwitz (68 points) ng Germany.
Binanderahan ni Ori Boujo ng Israel ang junior ladies final wakeskate mula sa kanyang nakuhang 47-46-50 para sa 47.67-point output laban sa 42.67 ni Jaimi Oxlade ng Australia at 34 ni Sophie Cordery ng Great Britain.
Tampok din sa event, hangad na makasama sa 2020 Olympics, ang men’s at women’s competitions sa Open, veterans at masters categories at ang Wake Skate discipline.
- Latest