^

PSN Palaro

4 gold sa Pinoy tracksters

Pilipino Star Ngayon

CHINESE-Taipei--Sumungkit ng kanilang ikalawang ginto sina Lerma Bulauitan-Gabito at Erlinda Lavandia para katampukan ang pinakaproduktibong araw para sa Pambansang manlalaro sa 17th Asia Masters Athletic Cham­pionships kahapon sa Taipei City Sports Park dito.

Si Bulauitan-Gabito ay nanalo sa women’s 35-39 long jump nang makapagtala ng bagong meet record na 5.50 meters.

Ang dating record ay nasa 5.32m na hawak ng kababayan na si Elma Mu­ros-Posadas na kasama rin sa delegasyon pero hindi na nakakapaglaro matapos ang hamstring injury sa kanyang kanang binti.

Bago ito, si Bulauitan-Gabito ay nanalo sa 100m run habang si Muros-Posadas ay nagkaroon ng ginto sa 100m run sa women’s 45-49 kategorya.

Si Lavandia na naunang nanalo sa women’s 60-64 javelin throw gamit ang bagong record ay nagdomina sa shot put sa 9.49m.

Lumabas uli ang husay ni Emerson Obiena sa men’s 45-49 pole vault habang nakasungkit ng ginto si Aurora Ramos sa women’s 50-54 long jump para iakyat na sa pito ang nasusungkit na ginto ng koponang inilaban ng National Masters and Seniors Athletic Association of the Philippines (NMSAAP).

May 3.60m si Obiena para talunin ang kapatid na si Eduard na may 3.40m habang si Ramos ay gumawa ng lundag na 3.88m.

Sa pagkakaroon ng pitong ginto bukod pa sa 7 pilak at 3 bronze medals, ang Pilipinas ay nakaangat na sa naitala noong 2010 na 5 ginto at 1 bronze.

Magtatapos ang torneo ngayon at hanap ng delegasyon na makatatlo pang ginto para maabot ang target na 10.

ASIA MASTERS ATHLETIC CHAM

AURORA RAMOS

ELMA MU

EMERSON OBIENA

ERLINDA LAVANDIA

GINTO

LERMA BULAUITAN-GABITO

NATIONAL MASTERS AND SENIORS ATHLETIC ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

SI BULAUITAN-GABITO

SI LAVANDIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with