^

PSN Palaro

Pacquiao tinawanan lang si Marquez

Robbie M. Pangilinan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinawanan lamang ni Manny Pacquiao ang pananakot sa kanya ni Juan Manuel Marquez na patutulugin siya sa kanilang pang apat na paghaharap sa Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas.

“Magandang balita ‘yan kasi ibig sabihin, sa pagkakataong ito, lalabas siya at lalaban, di tulad ng mga nakaraan naming laban na tumakbo lang siya nang tumakbo,” sabi ni Pacquiao sa panayam sa telepono mula sa Los Angeles kung saan siya ay nagsasanay sa Wild Card Gym.

Sinabi ni Pacquiao na plano niyang tuksuhin si Marquez na lumabas at lumaban para mapabagsak niya ang Mexicano.

“Gaya ng sinasabi ko, kailangan ma­­patulog para matigil na ang duda na si­yam na taon nang nakabitin sa ulo ko. At mangyayari lamang ito kung mapipilit natin siyang lumaban,” ani Pacquiao na sinabi pang magiging agresibo sa simula pa lamang at hindi na bibigyan ng pagkakataon si Marquez na tumakbo.”

“Sana nga ay tuparin niya ang pangako niyang patulugin ako para magkaroon din ako ng pagkakataong tapusin siya, na hindi ko nagawa dahil nga takbo siya nang takbo at ayaw lumaban ng sabayan sa na­karaan naming paghaharap,” pagtatapos ni Pacquiao.

 

vuukle comment

DISYEMBRE

GAYA

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

LOS ANGELES

MAGANDANG

MARQUEZ

MEXICANO

PACQUIAO

WILD CARD GYM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with