^

PSN Palaro

Muros-Posadas out na dahil sa injury bagong record kay Lavandia

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy ang pag-ani ng karangalan ni Erlinda Lavandia sa larangan ng Asia Masters Athletics Championships na sa taong ito ay nilalaro sa Taipei City Sports Park, Chinese Taipei.

Sa idinaos na javelin throw para sa women’s 60-64 division kahapon, muling inilabas ni Lavandia ang husay sa event nang maitapon ang aparato sa layong 32.26 meters upang burahin din ang dating record na 27.36 meters na ginawa ni Kato Atsuko ng Japan noong 2009.

Ito na ang lalabas na ikalimang record na hawak ni Lavandia dahil siya rin ang may-ari ng pinakamalayong tapon sa 40-44, 45-49, 50-54, at 55-59 divisions.

Ang kasiyahan sa ikatlong ginto ng Pilipinas sa torneo ay nabahiran naman ng lungkot nang ma-injured si Elma Muros-Posadas habang lumalahok sa women’s 45-49, 80m hurdles.

Minalas at nagkaroon ng pulled right hamstring si Muros-Posadas sa kalagitnaan ng karera. Binuhat siya patungo sa clinic at nilagyan ng ice ang hita sa loob ng isang oras.

Ang injury ay pinangangambahan na tatapos sa paglahok ni Muros-Posadas na naunang nanalo ng ginto sa 100m run.

“Ang health niya ang mas mahalaga kaya malamang na wala na siya sa ibang mga events,” wika ni Manny Ibay, ang pangulo ng National Masters and Seniors Athletic Association of the Philippines (NMSAA) na siyang nagpadala ng delegasyong may ayuda rin ng PSC, Mizuno, SCORE, Sen Chiz Escudero, Rexona at PCSO.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay mayroong tatlong ginto, tatlong pilak at 1 bronze medals at si Victorina Calma ay naghatid ng pilak sa women’s 35-39 800m run  habang si Helen Castillo ay umani ng bronze medal sa 400m run sa women’s 55-59 class.

ASIA MASTERS ATHLETICS CHAMPIONSHIPS

CHINESE TAIPEI

ELMA MUROS-POSADAS

ERLINDA LAVANDIA

HELEN CASTILLO

KATO ATSUKO

LAVANDIA

MANNY IBAY

MUROS-POSADAS

NATIONAL MASTERS AND SENIORS ATHLETIC ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with