^

PSN Palaro

Hunk actor pumatol sa bading sa halagang P30,000

PIK PAK BOOM - Pilipino Star Ngayon

PIK: Masaya ang mga taga-Viva Films at ang buong production staff at mga artista ng pelikulang A Secret Affair nang magpa-victory party sila sa box-office success ng naturang pelikula.

Ginanap ang victory party para sa mga press nung Martes ng gabi sa Citybest Restaurant, Morato at masayang umuwi ang mga reporters dahil halos lahat ay panalo sa kanilang pa-raffle.

Mahigit P100 million na ang kinita nito sa takilya, at naka-schedule na rin ang screening nito sa ibang bansa na dadaluhan ng main cast na sina Anne Curtis, Andi Eigenmann, at Derek Ramsay.

PAK: Parang ayaw naming maniwala sa kuwento ng isang malapit na kaibigan pero isinusumpa niyang nai-book ng isa rin niyang kaibigan ang guwapong hunk actor na nali-link ngayon sa isang kilalang young actress.

Parehong bading itong involved sa guwapong hunk actor kaya nagtatanong sa akin kung close ba ako sa aktor dahil may isang mayamang bading pa raw na type na type rin ito.

Isinusumpa ng bading na talagang nai-book niya ang hunk ng isang gabi at kamakailan lamang ito nangyari.

Tumataginting na P30,000 daw ang ibinayad niya sa guwapong hunk actor.

Bongga kasing magregalo si hunk actor kay young actress na nali-link sa kanya kaya maaaring doon nanggagaling ang ipinamili niya ng mga mamahaling regalo.

BOOM: Medyo malusog pa si Sunshine Dizon nang nakatsikahan namin sa taping ng Sarap Diva kamakalawa ng hapon.

Kasama niya si Katrina Halili na nag-guest sa cooking show ni Regine Velasquez at pareho silang medyo mataba pa pero kitang-kita mong masaya sila.

Wala pa sa isip ni Sunshine na bumalik sa pag-aartista dahil ang pamilya ang priority nito sa ngayon.

Abala pa siya sa pag-aalaga sa dalawang anak nila ni Timothy Tan kaya mas nai-enjoy pa nito ang kanyang privacy at simpleng buhay.

Kung may offer na magandang role, baka puwede na raw siyang bumalik sa pag-aartista pero kailangan pa niyang magpapayat ng husto.

Pumayag lang siyang lumabas sa Sarap Diva dahil hindi niya matanggihan ang programa ni Regine at tungkol naman daw sa mga bagong mommy ang pag-uusapan.

vuukle comment

A SECRET AFFAIR

ANDI EIGENMANN

ANNE CURTIS

CITYBEST RESTAURANT

DEREK RAMSAY

KATRINA HALILI

REGINE VELASQUEZ

SARAP DIVA

SUNSHINE DIZON

TIMOTHY TAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with