POC-PSC Batang Pinoy Dapitan leg handa na
MANILA, Philippines - Pamamahalaan ng Dapitan City ang Mindanao leg ng Philippine Olympic Committee-Philippine Sports Commission Batang Pinoy Games 2012 sa Nobyembre 7-10.
Ang opening ceremonies ay gagawin sa Nobyembre 6 sa Jose Rizal Memorial State University Sports Complex na magiging venue ng track and field at swimming.
Si Dapitan City Mayor Patri Bajamunde-Chan ay inaasahang mangunguna sa hanay ng mga local officials na tatanggap sa mga atleta na lalahok sa 11 events, ang 10 ay mga qualifying events para sa national finals.
“We are looking forward to working side by side with the PSC in discovering athletic talents from this part of the country,’’ sabi ni Bejamunde-Chan na pumirma ng memorandum of agreement sa PSC officials.
Orihinal na itinakda ang Visayas leg ng Batang Pinoy sa Cagayan de Oro, ngunit nagdesisyon ang mga organizers na ilipat sa Dapitan City ang event matapos ang matagumpay na pagdaraos nito ng 2011 Palarong Pambansa.
Ang mga events na paglalabanan sa Dapitan City ay ang arnis, athletics, badminton, boxing, chess, karatedo, lawn tennis, swimming, taekwondo, table tennis at pencak silat.
- Latest