^

PSN Palaro

Pinas 2nd sa Asian Softball Championship

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinumpleto ng Japan ang dominasyon sa Philippine Blu Boys nang angkinin ang 7-0 panalo sa finals ng 11th Asian Men’s Softball Championship sa Niimi City, Okayama Japan kamakailan.

Tinapos ng host team ang laban ng Pambansang koponan sa ikatlong inning nang magpasabog ng limang runs. Nagdagdag pa ang Japanese sluggers ng dalawa sa fourth inning para makumpleto ang shutout na panalo.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Japan sa Pilipinas sa torneo para sa ikaapat na sunod na kampeonato sa Asian event mula 1994.

Bigo man ay nakuha naman ng Na­­tionals ang karapatang maglaro sa World Men’s Softball Championship sa New Zealand sa 2013 nang malagay sa ikalawang puwesto.

Ang Indonesia na tinalo ng Pilipinas sa ikalawang page system semifinals, 7-0, para makuha ang karapatang labanan ang Japan sa one-game finals, ang puma­ngatlo at kasama din na aabante sa World championship.

Samantala, kayang manalo ng Philippine baseball team sa gaganaping World Baseball Classic qualifying sa New Taipei City mula Nobyembre 14 hanggang 18.

May 14 Fil-Foreign players ang sasama sa 28-man team na ipantatapat ng bansa sa host at paboritong Chinese Taipei bukod pa sa Thailand at New Zealand sa torneong gagamit ng double elimination para matukoy kung sino ang aabante sa tournament proper sa 2013.

Siyam sa bilang na ito ay mga Fil-Ams na naglaro sa Major League Baseball at Minor League at ang dating San Francisco Giants pitcher na si 6’4 Gelo Espineli ang mangunguna sa koponan.

ANG INDONESIA

ASIAN MEN

CHINESE TAIPEI

GELO ESPINELI

MAJOR LEAGUE BASEBALL

MINOR LEAGUE

NEW TAIPEI CITY

NEW ZEALAND

NIIMI CITY

SOFTBALL CHAMPIONSHIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with