^

PSN Palaro

Gadi vs Vivas sa PBaRS finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumangon si top seed Toby Gadi mula sa first set pagkatalo tungo sa 16-21, 23-21, 21-15, panalo laban kay Kevin Dalisay ng Philippine Team-Victor para umabante na sa finals ng men’s Open singles sa MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) Makati leg kahapon sa Makati Coliseum.

Nakitaan ng tibay at determinasyon ang five-time champion na si Gadi nang pawiin din niya ang 19-20 iskor pabor sa kalaban sa second set gamit ang magagandang depensa at atake upang malusutan ang pinakamatinding laban na dinaanan ng nasabing player sa torneong may bas­bas ng MVP Sports Foundation at suportado rin ng Victor PCOME Industrial Sales Inc.

Ang makakalaban ni Gadi sa finals ay si 2nd seed Paul Vivas na pinagpahinga si eight seed  Andrei Babad, 21-18, 24-22, sa isa pang semis  match.

Ang mga kasamahan ni Gadi sa Golden Shut­tle Foundation (GSF) na sina Gelita Castilo at Bian­ca Carlos ang siyang maglalaban naman para sa women’s Open title.

Pinagpahinga ni Castilo si Danica Bolos, 21-8, 21-10, habang nanalo si Carlos kay Amabel Sumabat ng WWGBA, 21-16, 21-19.

Pasok rin si Carlos sa finals sa girls’ U-19 nang hiritan ng  21-7, 21-13, si Patrisha Malibiran.

 

AMABEL SUMABAT

ANDREI BABAD

DANICA BOLOS

GELITA CASTILO

GOLDEN SHUT

INDUSTRIAL SALES INC

KEVIN DALISAY

MAKATI COLISEUM

PATRISHA MALIBIRAN

PAUL VIVAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with