^

PSN Palaro

Hulleza tatakbo sa Milo Marathon Finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isama na si Rowell Hulleza sa mga tatakbo sa Milo Marathon National Finals sa Disyembre.

Dinomina ng 23-anyos na si Hulleza ang men’s division sa Iloilo City regional qualiyfing race kahapon sa naitalang 1:15:56 oras sa 21-k karera.

Tinalo ni Hulleza sina Bennie Murillo at Jorge Sepida na may 1:16:38 at 1:22:24 tiyempo.

“Ngayong nakapasok na ako sa Finals, mag-iiba ako ng training at pagtutuunan ko na palakasin ang resistensya ko,” wika ng 23-anyos na si Hulleza na nag-uwi din ng P10,000.00 unang gantimpala.

Ang triathlete na si Ale­xandra Ganzon ang na­nguna sa kababaihan sa kanyang 1:44:59.

Nasa ikalawang puwes­to si Mellina Jane Jaroda (1:52:34) habang nasa ikat­long puwesto si Mary Antonette Nunez (1:57:45).

Hindi naman naabot ni Ganzon ang qualifying time pero masaya siya sa naipakita sa karera.

“I may have not qualified for this year’s finals, but the MILO Marathon has become the most memorable race I have joined yet. I am looking forward to next year’s qualifying leg where I plan to run as a stronger athlete,” wika ni Ganzon.

Ang sunod na regional qualifying ay sa General Santos City sa Nobyembre 4.

 

BENNIE MURILLO

GANZON

GENERAL SANTOS CITY

HULLEZA

ILOILO CITY

JORGE SEPIDA

MARY ANTONETTE NUNEZ

MELLINA JANE JARODA

MILO MARATHON NATIONAL FINALS

ROWELL HULLEZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with