^

PSN Palaro

GTK vs Peping sa POC election

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinapon ni athletics pre­­sident Go Teng Kok ang sarili sa POC election nang isumite ang kanyang kandidatura para sa pampanguluhan sa halalan na gagawin sa Nobyembre 30 sa Alabang Country Club.

Huling araw ng pagsusumite ng certificate of candidacy ng mga nagnanais na tumakbo sa halalan kahapon ng tanghali at si Go ay huma­bol upang hamunin ang nakaupong pangulo na si Jose  “Peping” Cojuangco Jr.

“To the Philippine sports community, I just filed my candidacy for POC presidency at exactly 9:50 am. I stuck to my word that if there’s nobody who will challenge Peping (Cojuangco), I will stand and run against all odds. God Bless Philippine sports,” wika ni Go sa kanyang statement.

Hindi pa naman tiyak kung papayagang sumali si Go ng 3-man Comelec sa pangunguna ni Victorico Chavez dahil naunang idineklara ang NSA head bilang persona non grata ng POC General Assembly noong nakaraang taon.

Tiwala naman si Go na hindi maaapektuhan ang kanyang paglahok dahil walang prohibisyon sa POC Constitution ang bagay na ito.

Napilitan tumakbo si Go matapos tanggihan ni Manny V. Pangilinan ang alok ng ibang NSAs na laba­nan niya si Cojuangco na balak manilbihan sa POC sa ikatlong sunod na termino.

Bukod kay Go ay huma­bol din sa huling araw ng pagpapatala si triathlon president Tom Carrasco at fencing head Victor Africa na tatakbo bilang chairman at board member ayon sa pagkakasunod.

Lahat din ng puwesto ay may katunggali at kalaban ni Carrasco si incumbent chairman Monico Puente­vella ng weightlifting.

Nais ni Manny Lopez na opisyal ng boxing na manatili sa kanyang puwesto bilang 1st Vice President kalaban si karatedo head Joey Romasanta.

 

ALABANG COUNTRY CLUB

COJUANGCO

COJUANGCO JR.

GENERAL ASSEMBLY

GO TENG KOK

GOD BLESS PHILIPPINE

JOEY ROMASANTA

MANNY LOPEZ

MANNY V

MONICO PUENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
9 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with