^

PSN Palaro

Magkapatid na Younghusband kasama sa line-up ng Azkals sa Suzuki Cup

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matutunghayan pa rin ang husay ng magkapatid na sina Phil at James Younghusband sa 2012 AFF Suzuki Cup na gagawin sa huling linggo ng Nobyembre sa Bangkok, Thailand.

Sa 35 opisyal na manlalaro na ipinadala ng PFF sa Asian Football Federation, kasama ang magkapatid sa 22 na pagpipilian para tulungan ang Pilipinas na makalaro uli sa semifinals ng prestihiyosong torneo.

Nasa talaan din ang mga Fil-foreign goal keepers na sina Neil Etheridge at Ronald Muller na hindi pa tiyak kung makakasama sa Suzuki Cup dahil ang mga pinag­lalaruang koponan na Bristol Rovers at MSV Duisburg ay sinasabing may mga laro habang isinasagawa ang torneo.

Ang iba pang Azkals na nakasama noong nagkampeon sa 1st Philippine Peace Cup at sa Middle East Camp na kung saan tumabla ang koponan sa Bahrain, 0-0, at dikitang natalo sa Kuwait, 1-2, ay inilista rin sa talaan.

Nangunguna rito si Denis Wolf, ang nanalo ng Golden Boot award sa Peace Cup, Chieffy Caligdong, Demitrius Omphroy, Ray Jonsson, Dennis Cagara, Jerry Lucena at Angel Guirado.

Ihahayag ng management ng Team Azkals ang ka­nilang 22 manlalaro na bubuo sa official rosters sa Nobyembre 23 habang 20 manlalaro (first 11 at 9 subs) ang gagamitin sa bawat laban.

Ang Pilipinas ay nasa Group A kasama ang Thailand, Vietnam at Myanmar na kanilang haharapin sa Nobyembre 24, 27 at 30.

 

ANG PILIPINAS

ANGEL GUIRADO

ASIAN FOOTBALL FEDERATION

BRISTOL ROVERS

CHIEFFY CALIGDONG

DEMITRIUS OMPHROY

DENIS WOLF

DENNIS CAGARA

NOBYEMBRE

SUZUKI CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with