^

PSN Palaro

Hodge at nabong

FREETHROWS - AC Zaldivar - The Philippine Star

 Sa sampung koponang kalahok sa 2012-13 PBA Philippine Cup, ang Meralco Bolts ang tanging team na pinamumunuan ng isang rookie!

Aba’y kakaiba ang ipinakikita ni Clifford Hodge, ang fourth pick overall sa 2012 Rookie Draft. Halos double-double ang kanyang numero.

Sa dalawang games, si Hodge ay nagtala ng ave­rage na 19.5 puntos at 9.5 rebounds. Bukod dito ay mayroon din siyang 1.5 assists, isang steal at isang blocked shot sa 39 minuto. At, take note, wala siyang error sa dalawang games!

Matindi, hindi ba? Parang hindi siya rookie!

At fourth pick siya ha. May tatlong nauna ng napili sa kanya.

Si June Mar Fajardo ang top pick ng Draft samantalang si Alex Mallari ang third pick at pareho silang nag­lalaro sa Petron Blaze.

Ang second pick na si Calvin Abueva na pinili ng Alaska Milk ay naglalaro pa sa San Sebastian College na nasa Final  Four ng  88th season ng NCAA bas­ket­ball tournament.

Mukhang maganda ang pagkakadampot ng Meralco kay Hodge dahil malaki ang kanilang pakina­bang dito.

Siyempre, alam ni  Teodorico Fernandez III, na isa sa mga assistants ni head coach Paul Ryan Gregorio kung ano ang puwedeng ibigay ni Hodge sa Bolts. Kaya nga si Hodge at hindi si Chris Ellis ang kinuha ng Meralco sa No. 4.  Napunta si Ellis sa Barangay Gi­nebra San Miguel.

Ang dalawang ito ay manlalaro ni Fernandez sa NLEX Road Warriors na nagwagi ng kampeonato sa unang tatlong torneo ng PBA D-League.

Magtatagpo sina Hodge at Ellis sa unang pagkaka­taon bilang magkalaban sa paghaharap ng Meralco at Barangay Ginebra San Miguel sa unang out-of-town game ng torneo na gaganapin mamayang 6 pm sa  Sports, Cultural and Business Center of Davao del Sur sa Digos City.

Siyempre, magpapa­talbugan ang dalawa ma­maya.

Dito’y makikita na talaga kung talagang angat si Hodge kay Ellis. Kasi nga, kabisado nila ang isa’t isa.

Pero bilib nga si Gregorio kay Hodge. Katunayan, sinabi ni Gregorio na sina Hodge at isa pang rookie, si Kelly Nabong ang leader ng Meralco sa ‘Great Effort department.” Sa kanila kasi nagmumula ang intensity na ngayon ay nakukuha ng mga beterano.

Si Nabong ay hindi nagamit sa unang laro ng Meralco kontra defending champion Talk N Text.  Natalo ang Bolts sa overtime, 112-110.

Pero ginamit si Nabong laban sa Alaska Milk na tinalo ng Bolts, 93-86. Maganda ang naging depensa ni Nabong kontra kay Joachim Thoss na napigilan nitong mama­yagpag. Sa larong iyon, si Nabong ay nagtala ng anim na puntos pero humugot naman ng 11 rebounds.

Mukhang ang kinabukasan ng Bolts ay nakapatong sa balikat ng dalawang rookies sina--Hodge at Nabong.

At maganda ito dahil sa nais na ni Gregorio na makapamayagpag ang Bolts pagkatapos na magmatrikula sa huling dalawang seasons.  

ALASKA MILK

ALEX MALLARI

BARANGAY GI

ELLIS

GREGORIO

HODGE

MERALCO

NABONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with