^

PSN Palaro

Lions, Stags itatakda ang kanilang titular showdown

- ATan - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Pipilitin ng San Beda at San Sebastian na itak­da ang muling pagtutuos sa Finals laban sa mga determinadong karibal sa pagbubukas ng 88th NCAA men’s basketball ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Ang Lions ay masusukat sa Perpetual Help sa ganap na alas-4 ng hapon bago sumalang ang Stags laban sa host Letran dakong alas-6.

Bitbit ng Lions at Stags ang mahalagang twice-to-beat advantage at hindi naman imposible na masa­gad ang tagisan sa do-or-die dahil palaban din ang Altas at Knights.

Ito ang unang pagkaka­taon sapul noong 2004 na nasa Final Four ang Altas at nangyari ito matapos kalasin ang Jose Rizal University, 73-68, sa isang playoff noong Huwebes.

Naipakita na rin ng tropa ng bagong upong coach na si  Aric Del Rosario na kaya nila ang nagdedepensang Lions nang kunin ang 88-87 overtime panalo noong Hulyo 13.

Bumawi naman ang tro­pa ni coach Ronnie Mag­sanoc sa ikalawang salpukan, 60-53, noong Setyembre 29.

Sa kabilang banda, ang Knights ay nagnanais ga­wing makinang ang hosting sa liga at pagsungkit ng titulo na huling natikman noon pang 2005.

Hindi pa pinatitikim ng panalo ng Letran ang Baste sa season na ito matapos angkinin ang 80-74 at 82-67 tagumpay.

Makakalamang din ng kaunti ang tropa ni coach Louie Alas dahil wala ang kamador na si Ronald Pascual sa line-up ni coach Allan Trinidad bunga ng ipinataw na one-game suspension dala ng disqualifying foul sa huling laro laban sa San Beda. 

ALLAN TRINIDAD

ALTAS

ANG LIONS

ARIC DEL ROSARIO

FINAL FOUR

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LETRAN

LOUIE ALAS

PERPETUAL HELP

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with