MANILA, Philippines - Mula sa sinasabing magiging kapalit ni Norman Black sa Ateneo ay maaaring makita ni Bo Perasol ang kanyang sarili bilang team consultant ng University of the Philippines.
Sinabi ng isang source kahapon na tinitingnan si Perasol ng isang grupong malapit kay sports patron at telecommunication mag- nate Manny V. Pangilinan para lumipat sa Maroons kung saan niya makakasama si head coach Ricky Dandan.
Sa mga nakaraang buwan ay sinasabi nang si Perasol ang papalit kay Black, gagabayan ang Talk N’ Text Tropang Texters sa PBA matapos ang 75th UAAP season, bilang mentor ng Ateneo mentor at lumagda na umano sa isang three-year deal sa Blue Eagles.
Ngunit nagulo ito nang kumalas si Pangilinan sa Ateneo kamakailan.