Donaire tatapatan ang bilis ni Nishioka
MANILA, Philippines - Bilis laban sa bilis ang inaasahang matutunghayan sa paghaharap nina unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. at Japanese challenger Toshiaki ‘Speed King’ Nishioka.
Muling nagkaharap ang 29-anyos na si Donaire at ang 36-anyos na si Nishioka sa Fortune Gym sa Hollywood, California tatlong araw bago ang kanilang banggaan sa Home Depot Center sa California, USA.
“He is going to have power and everything he trained for but we have the speed advantage,” ani Donaire sa panayam ng Fightnews.com. “You will see a smart and sharp Nonito Donaire.”
Ipagtatanggol ni Donaire (29-2-0, 18 KOs) ang kanyang mga hawak na WBO at IBF super bantamweight titles kontra kay Nishioka (39-4-3, 23 KOs) maliban pa sa pag-aagawan nila sa WBC Diamond super bantamweight crown at sa Ring Magazine belt.
“It is an unbelievable fight. Nishioka has been the best 122 pounder for a long time he is a hell of a fighter! Now Donaire looks like he wants to take his place it should be a good fight,” sabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions.
Sa nakaraang walong taon ay hindi pa natatalo si Nishioka na kasalukuyang sumasakay sa isang 16-fight winning streak.
Bagamat hindi napabagsak ni Donaire ang tatlo niyang huling nakaharap na sina Omar Narvaez, Wilfredo Vazquez, Jr. at Jeffrey Mathebula, mag-iingat pa rin si Nishioka sa kanilang laban.
- Latest
- Trending