^

PSN Palaro

Bolts nakatikim ng panalo sa Aces

- RCadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines -Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay muling nagpakita ng magandang laro si 2012 PBA Draft No. 4 overall pick Cliff Hodge.

Umiskor si Hodge ng 20 points para tulungan ang Meralco sa 93-86 panalo laban sa Alaska para sa kanilang unang panalo sa elimination round ng 2012-2013 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nanggaling ang Bolts sa 110-112 overtime loss laban sa nagdedepensang Talk ‘N Text Tropang Texters noong nakaraang Biyernes kung saan tumipa ang 6-foot-4 na si Hodge ng 19 markers para sa kanyang unang laro bilang rookie.

Ito naman ang ikalawang sunod na kabiguan ng Aces makaraang yumu­kod sa San Mig Coffee Mixers, 83-103.

“It was a hard fought battle. It was physical out there,” sabi ni Hodge, nasiko sa bibig ni Gabby Espinas sa gitna ng fourth quarter kung saan angat ang Meralco sa Alaska, 85-74, na kanilang pinalaki sa 93-78 may 1:44 sa laro.

Matapos iposte ng Bolts ang isang 15-point lead sa kaagahan ng third period ay nakalapit naman ang Aces sa 71-80 sa 7:56 ng fourth quarter sa likod nina Espinas, JVee Casio at Dondon Hontiveros.

Ngunit i sang 13-7 atake ang ginawa nina Hodge, Mac Cardona, Reynel Hugnatan at Sunday Salvacion upang mu­ling ilayo ang Bolts sa Aces, 93-78, sa huling 1:44 nito.

Nag-ambag ng15 markers si Espinas at may 12 naman si Casio para sa Alaska.

Meralco 93 - Hodge 20, Cardona 16, Buenafe 13, Mercado 10, Salvacion 10, Hugnatan 8, Nabong 6, Reyes 4, Borboran 2, Sharma 2, Artadi 2, Belencion 0.

Alaska 86 - Baguio 19, Thoss 17, Espinas 15, Casio 12, Hontiveros 9, Baracael 4, Bugia 4, Dela Cruz 4, Reyes 2, Jazul 0, Eman 0.

Quarterscores: 24-24; 50-44; 76-64; 93-86.

CASIO

CLIFF HODGE

DELA CRUZ

DONDON HONTIVEROS

DRAFT NO

ESPINAS

GABBY ESPINAS

MAC CARDONA

MERALCO

N TEXT TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with