San Sebastian target ang no. 2 seat sa final four

MANILA, Philippines -  Hangad ng San Se­bas­tian na makaiwas sa komplikasyon sa paghahabol para sa No. 2 seeding sa pag-asinta ng panalo kontra sa San Beda College sa pagtatapos ng eliminasyon sa 88th NCAA men’s bas­ket­ball sa The Arena sa San Juan City.

Ang laro ay itinakda sa alas-6 ng gabi at kailangan ng Stags na manalo para hawakan ang mahalagang ‘twice-to-beat’ advantage la­ban sa host Letran na si­ya nilang makakatapat sa Fi­nal Four.

May 12-5 baraha ang San Sebastian ni coach Allan Trinidad pero isang la­ro lang ang abante sa Le­tran (12-6).

Kung matatalo ang Stags, magtatabla sila ng Knights sa 12-6 baraha at mangangailangan ng play­off para malaman kung si­no ang hahawak sa No. 2 seat sa semifinals.

Ang playoff ay gagawin sa Huwebes at nauna nang sinelyuhan ng Jose Rizal Uni­versity at Perpetual Help ang pagkikita para sa ika­apat at huling puwesto sa Final Four.

Show comments