^

PSN Palaro

Air21 ginitla ang Globalport

- Russell Cadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Hindi sila nanalo sa kabuuan nilang 14 laro sa nakaraang PBA Philippine Cup.

Kahapon ay binasag nila ang naturang ka­­malasan matapos igupo ang Globalport, 88-81, sa elimination round ng 2012-2013 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Bumangon ang Express mula sa kanilang 87-90 kabiguan sa Barako Bull Energy Cola no­ong nakaraang Miyerkules.

“We’re lucky that Globalport is stil in a getting to know stage just like our team,” ani coach Franz Pumaren. “They’re stil groping for form. (Gary) David just arrived days before the opening. This team is a very dangerous team, especially with David and (Willie) Miller.”

Ito ang ikalawang sunod na kabiguan ng Ba­tang Pier matapos matalo sa Barangay Gi­nebra San Miguel Gin Kings, 90-110, sa pag­bubukas ng komperensya noong naka­raang Ling­go.

Matapos kunin ang 41-39 bentahe sa first half, itinala ng Air21 ang 55-49 abante sa 4:52 ng third period mula sa basket ni Nonoy Baclao bago nakalapit ang Globalport sa pag­sasara nito, 60-65.

Isang 10-5 atake ang ginawa ng Express upang iwanan ang Batang Pier, 75-65, sa 6:40 ng fourth quarter patungo sa kanilang unang panalo.

BARAKO BULL ENERGY COLA

BARANGAY GI

BATANG PIER

FRANZ PUMAREN

GLOBALPORT

NONOY BACLAO

PHILIPPINE CUP

SAN MIGUEL GIN KINGS

SHY

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with