^

PSN Palaro

Makikipagsabayan na sa mga tigasing koponan sa PCCL ST. Clare may maipagmamalaki na

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nakatulong sa kampan­ya ng St. Clare College-Ca­loocan ang pagkatalo na nangyari sa STI College sa second round upang ma­numbalik ang tikas ng koponan.

Naiuwi ng Saints ang kauna-unahang kampeo­nato sa National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) nang walisin ang Centro Escolar University sa best-of-three finals na nagwakas makakailan.

“Nakatulong sa amin ang pagkatalo dahil bumalik ang pagsisikap at pagtutulungan ng mga pla­yers. Dikit ang pagkatalo namin sa STI pero mas maganda ito kaysa sa huli kami natalo,” wika ni Janno Manansala na kasama ang ama at PBA player Jimmy Manansala na dumalo sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura kahapon.

Tinapos ng St. Clare na pag-aari ni Dr. Jay Adalem, ang makulay na kampan­ya sa ika-12 taon ng liga sa pamamagitan ng 14-1 baraha.

“Ito ang unang pagkakataon na nanalo ang St. Clare at nangyari ito dahil sa maagang pagsasanay sa dedikasyon ng mga players. Wala ang University of Manila sa taong ito pero kahit sumali sila ay tingin ko ay mabibigyan din namin sila ng magandang laban dahil solid itong mga players,” dagdag pa ni Manansala.

Si Jeff Viernes ang lumutang nang husto sa ka­nilang hanay upang magkaroon ng magandang pagtatapos ang paglalaro sa ligang binuo ni Adalem.

Si Viernes na nag-ave­rage ng 31 puntos sa Finals ay maglalaro sa D-League at siya ay pinag-aagawan ng Cebuana Lhuillier at Erase Plantcenta.

Hindi pa naman tapos ang season ng Saints da­hil ang pagkapanalo sa NAASCU ang nagtu­lak sa koponan para makasali sa Philippine Collegiate Champions League (PCCL).

Pero masalimuot ang lan­das na tatahakin ng Saints dahil dadaan sila sa preliminary round para makapasok sa tournament proper.

“Pahirapan ito dahil kailangan pa kaming mag-qualify. Pero handa kami na bigyan ng magandang laban ang kahit na sinong makalaban,” pagtitiyak ni Manansala.

CEBUANA LHUILLIER

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

COLLEGES AND UNIVERSITIES

DR. JAY ADALEM

ERASE PLANTCENTA

JANNO MANANSALA

JIMMY MANANSALA

MANANSALA

SHY

ST. CLARE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with