^

PSN Palaro

Surfing sa Pinas pasisikatin ni Landrigan

- The Philippine Star

MANILA, Philippines -Naniniwala ang professional surfer na si Luke Lan­drigan na maaari pang palaguin at palaganapin ang sport na surfing sa Pilipinas dahil sa dami ng ma­gagandang surfing spots sa bansa.

Ayon kay Landrigan, na nanalo ng gold sa naka­raang Aloha Boardsports Pro Invitational Long Board Division at silver sa Asian Beach Games sa Indonesia, ngayon ang tamang panahon upang subukan ng maraming Pinoy ang surfing, lalo pa’t umpisa na ng surfing season. Tutal, maraming kilalang surfing spots sa bansa tulad ng La Union, Siargao at Baler.

“The best months (for surfing) depend on what side of the country you are in. In the Pacific side, there are more waves than the China Sea side. In the Pacific side, the best waves are from September to May while for the China Sea, the best waves are from October to April,” wika ni Landrigan na may-ari ng isang surfing school sa La Union.

Kailan lamang ay ina­nun­syo ng Ginebra San Miguel Premium Gin na si Landrigan na ang bago nitong brand endorser. Ang brand ay mayroong lime, smooth kapag iniinom at walang idinudulot na hangover.

Para kay Luke, ang en­­dor­sement ay isang pa­raan upang tumaas pa ang awareness level ng mga tao tungkol sa surfing.

Aniya, kahit mukhang madali at masayang ting­nan ang surfing ay kailangan dito ang disiplina at praktis. Kaya naman sinisiguro ni Landrigan na masaya ang kaniyang mga estudyante habang nag-aaral ng surfing basics. 

ALOHA BOARDSPORTS PRO INVITATIONAL LONG BOARD DIVISION

ASIAN BEACH GAMES

CHINA SEA

GINEBRA SAN MIGUEL PREMIUM GIN

IN THE PACIFIC

LA UNION

LANDRIGAN

LUKE LAN

SHY

SURFING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with