^

PSN Palaro

Jinkee tatakbong vice governor sa Sarangani

- Russell Cadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mula sa boxing ring ay muling lalaban si Manny Pac­quiao sa pulitika, habang susubukan naman ng kan­yang asawang si Jinkee ang kapalaran nito bilang vice-governor ng Sarangani.

Matapos ang isang bible study sa kanilang tahanan kahapon ay naghain ang mag-asawang Pacquiao ng kani-kanilang Certificate of Candidacy (COC) sa Alabel, Sarangani.

Kakandidato sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) ni Vice Pres. Jejomar Binay, asam ni Pacquiao ang kanyang ikalawang sunod na termino bilang Sarangani Congressman matapos magwagi noong Mayo ng 2010 sa kampo ng Nacionalista Party ni Sen. Manny Villar.

Nakakuha si Pacquiao, isang military reservist na may ranggong Lieutenant Colonel sa Reserve Force ng Philippine Army, ng kabuuang 120,052 boto kum­para sa 60,899 ng karibal na si Roy Chiongbian noong 2010.

Si Pacquiao ay nagtapos sa Saavedra Saway Elementary School sa Ge­neral Santos City at binigyan ng high school diploma ng Department of Education at nag-enrol ng college degree sa business management sa Notre Dame of Dadiangas University (NDDU).

Makakatambal naman ni Jinkee, ang tunay na pa­ngalan ay Maria Geraldine Jamora, bilang Sarangani Governor si Steve Solon.

Si Jinkee ay isang consistent honor student sa Notre Dame sa General San­tos City.

CERTIFICATE OF CANDIDACY

DEPARTMENT OF EDUCATION

GENERAL SAN

JEJOMAR BINAY

JINKEE

LIEUTENANT COLONEL

MANNY PAC

MANNY VILLAR

MARIA GERALDINE JAMORA

NACIONALISTA PARTY

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with