Victoria Court tumiklop sa Star Group sa MBL

MANILA, Philippines - Nagpakita ng kakai­bang lakas at sigla ang defending champion Star Group of Publications upang pabagsakin ang Victoria Court AMH, 107-67 sa pagsisimula ng kanilang pagdedepensa ng titulo sa MBL Corporate Cup sa Lyceum gym sa Intramuros, Manila noong Sabado ng gabi.

Limang mainstays, sa pangunguna nina Jhong Bondoc at Randel Reducto, ang umiskor ng double figures para sa Star Group nina coach Alfred Bartolome at manager Mike Maneze.

Sina Bondoc at Reducto ay kapwa tumipa ng tig-16 puntos, si Niño Sangalang ay nag-ambag ng 12, si Vher Roque ay may 11 at si Niño Marquez ay may 10 puntos para sa Star Group.

Nagdagdag naman sina Cris Corbin, Gio Coquilla at Mario Geocada ng tig-siyam na puntos para sa Star sa torneong inorganisa ng Millennium Basketball League (MBL) ni Alex Wang at itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Cebuana Lhuillier, Dickies Underwear at Spartan Mining at Development Corp.

Ang sikat na Filipina bodybuilding champion na si Luzviminda ‘Mama Luz’ McClinton ang nagsagawa ng ceremonial toss sa ope­ning ceremony.

Star Group 107 --Bon­doc 16, Reducto 16, Sangalang 12, Roque 11, Marquez 10, Corbin 9, Coquilla 9, Geocada 9, Ortega 8, Rodriguez 5. Martinez 2.

Victoria Court 67--Bajao 16, Lasay 13, Valenciano 13, Ortega 8, Quetua 6, Quintos 5, Tanyag 4, Galupo 2.

Quarterscores: 26-13, 62-33, 84-48, 107-67.

Show comments