Buwenamano sa Ginebra hiniya ang Batang Pier
MANILA, Philippines - Si Rudy Lingganay ng Global Port ang nagsalpak ng unang puntos para sa 38th season ng Philippine Basketball Association.
Ngunit ang sumunod na mga sandali ay ang dominasyon ng Barangay Ginebra San Miguel ang bumida.
Nagtayo ng isang 21-point lead sa first half, ipinagpag ng Gin Kings ang Batang Pier, 110-90, sa pagbubukas ng 2012-2013 kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Mula sa 26-20 abante sa first period, nagtuwang sina 2008 PBA MVP Jayjay Helterbrand, Rudy Hatfield, Billy Mamaril at Willy Wilson at mga rookies na sina Chris Ellis at Keith Jensen upang iposte ang isang 21-point advantage, 53-32, sa huling 1:11 ng second quarter.
“Opening day. Somehow maraming distractions. Pero naging maganda naman ang umpisa namin. We started on the right foot,” sabi ni coach Siot Tanquingcen, nakahugot ng 18 points kay 2012 PBA MVP Mark Caguioa kasunod.
Humugot naman ng tig-9 markers sina two-time PBA MVP Willie Miller at Lingganay sa kanilang paghahabol sa final canto para tumapos na may 26 at 14 points, ayon sa pagkakasunod, sa panig ng Batang Pier.
Samantala, sakali mang hindi matupad ang pangarap ni Japeth Aguilar na makapaglaro sa National Basketball Association o sa NBA Developmental League ay tatanggapin pa rin siya ng Talk ‘N Text.
Ito ang sinabi kahapon ni Tropang Texters’ team manager Aboy Castro kaugnay sa pagsubok ng 6-foot-8 na si Aguilar sa tryout sa mga NBA teams na San Antonio Spurs at New Orleans Hornets bukod pa sa Bakersfield Jam sa NBA Development League.
“Anytime puwede naman siyang bumalik sa team eh,” wika ni Castro sa 25-anyos na si Aguilar na nagtapos ang isang one-year contract sa Talk ‘N Text. “Nandiyan pa rin ‘yung offer namin para sa kanya.”
Nakatakdang sumama ang dating Ateneo Blue Eagle sa training camp ng Bakersfield Jam sa Oktubre 20 matapos obserbahan ang kanyang kilos at laro ng dalawang scouts ng Spurs at Magic.
- Latest
- Trending