Marquez gigil na gigil kung paano mapapabagsak si Pacquiao

MANILA, Philippines -   Mula nang maikasa ang kanilang pang apat na laban ay walang ibang inisip si Juan Manuel Marquez kundi ang pabagsakin si Manny Pacquiao.

“I’m preparing to find a knockout. I can no longer think about getting a decision but instead winning by knockout,” sabi ni Marquez sa panayam ng Notifight.com. “I can do it, and close the series of fights with Pacquiao with a perfect finale ... a series that is already a classic in boxing.”

Sa kanilang unang pag­haharap noong 2004, isang draw ang naitakas ni Marquez sa kabila ng tatlong beses na pagbagsak sa first round, habang isang split decision naman ang nakamit ni Pacquiao sa kanilang rematch noong 2008.

Umiskor rin si Pacquiao ng isang majority decision win sa kanilang pang apat na pagtatapat ni Marquez noong Nobyembre ng 2011.

“In my career five times I got up from the canvass to show that I am the best,” sabi ni Marquez. “I’ll look for the knockout with experience and intelligence. I think we know each other so well that both of us are going to want to do different things.”

 Maghaharap sina Pacquiao (54-4-2, 38 knockouts) at Marquez (54-6-1, 39 KOs) sa pang apat na pagkaka­taon sa isang catchweight fight sa 147 pounds at sa isang non-title, welterweight bout sa Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Para maibalik ang kanyang dating bangis, kaagad na sinimulan ng Filipino world eight-division ang pagpapakondisyon sa General Santos City noong Huwebes.

 “Gusto ko ibalik ‘yung Manny Pacquiao na 25-years old pa lang siya,” sambit ng 33-anyos na si Pacquiao sa kanyang ha­ngarin na mapabagsak ang 39-anyos na si Marquez.

Samantala, nakatakda namang buksan ang bentahan ng tiket para sa Pacquiao-Marquez IV ngayon sa Las Vegas kung saan ang mga ito ay nagkakahalaga ng $1,200, $900, $600, $400 at $200.

Show comments