WPA World 10-Ball sa Pinas kanselado

 MANILA, Philippines - Kinansela na ng Raya Sports ang 2012 WPA World Ten Ball Championship na dapat ay lalaruin mula Oktubre 9 hanggang 14 sa SM Megamall, Manila.

Ito sana ang ikaanim na edisyon ng torneong kinatatampukan ng mga mahuhusay na bilyarista sa mundo pero kinaila­ngang isantabi dahil sa mga problemang kinaharap ng organizers.

“Due to unavoidable cir­cumstances and the unexpected unavailability for now of a suitable billiards table equipment here in Manila, we the Board of Directors of PRISM-Raya Sports want to officially announce that our company will not organize and state the 2012 WPA World Ten Ball Championship at the SM Megamall in Manila as planned on October 9-14,” wika ng statement ng organizers na lumabas sa azbilliards.com.

Sa halip, magsasagawa na lamang ng dalawang 2012 WPA World ranking tournament sa kalalakihan at kababaihan na itinakda mula Nobyembre 26-28 at Disyembre 1-4 sa Skydo­me sa SM North Edsa.

Sa Disyembre 4 ay mag­ho-host din ang organi­zers ng dinner ceremony upang dito iproklama ng international body WPA ang 2012 Male at Female Player of the Year.

Umaasa ang organi­zers na maiintindihan ng mga manlalaro ang ka­ni­l­ang sitwasyon kasabay ng pangakong ibabalik din ang kinaaabangang Ten Ball event sa susunod na taon kapag naayos na ang problema. 

Show comments