Iniligwak ang baste JRU kumakasa pa
MANILA, Philippines - Humugot ng 28 puntos ang Jose Rizal University kay Byron Villarias upang angkinin ang 82-74 panalo laban sa San Sebastian sa 88th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Pinantayan ni Villarias ang pinakamaraming 3-pointer na naipasok sa laro na dating solong hawak ni Ronald Pascual nang magtala ito ng walo pero ang pinakamahalagang buslo na ginawa niya ay ang lay-up gamit ang kaliwang kamay na nagbigay ng 78-74 bentahe sa koponan.
Matapos ito ay inagawan niya si Dexter Marquez bago nagbigay ng magandang assist kay Romnick Mendoza tungo sa side jumper upang tuluyang tapusin ang hininga ng Stags.
Ito ang ika-10 panalo matapos ang 16 na laro ng tropa ni coach Vergel Meneses para dumikit ng kalahating laro sa Perpetual at Letran na magkasalo sa mahalagang ikatlo at apat na puwesto sa 10-6 baraha.
“Talagang gusto kong manalo ang team kaya ginawa ko ang lahat ng puwede kong gawin,” wika ni Villarias na sa first half pa lamang ay kumamada na ng 20 puntos, tampok ang anim na tres.
Nasayang ang 25 puntos ni Sangalang at 26 puntos, 20 rebounds, 4 assists at 3 blocks ni Abueva dahil bumaba ang Stags sa 11-5 baraha.
Sa unang laro, tinapatan na ng Arellano University ang panalong nakuha sa nagdaang season nang pataubin ang Lyceum, 58-49.
- Latest
- Trending