Banal-Pungluang fight hahawakan ni Weeks
MANILA, Philippines - Iniluklok ni World Boxing Organization president Paco Valcarcel ang namahala sa laban nina Floyd Mayweather at Miguel Cotto na si referee Tony Weeks para sa WBO World bantamweight championship fight nina AJ “Bazooka” Banal at Pungluang Sorsingyu ng Thailand.
Nagpadala ng email si WBO President Valcarcel sa pamamagitan ni Diana Melendez sa ALA Promotions office para sa pangangasiwa ni Weeks sa Banal-Sorsingyu title bout na bahagi ng Pinoy Pride XVII Philippines vs The World.
Ito ang magiging pang 423 laban na gigiyahan ni Weeks.
Ang uupo bilang mga judges ay sina Robert Hoyle ng Henderson, NV, Judge Levi Martinez ng Las Cruces, New Mexico at Judge Raul Caiz, Jr.
Si Weeks ay beterano ng 47 world title fights, ang tatlo dito ay female world championships, at pinamahalaan na ang Pacquiao-Marquer fight noong 2011, Diego Corrales vs Jose Luis Castillo at ang Sergio Martinez vs Julio Cesar Chavez, Jr. title fight kamakailan
Ang Pinoy Pride XVII Philippines vs the World ay nakatakda sa Oktubre 20 sa SM Mall Of Asia Arena sa Pasay City.
Ito ay inihahandog ng ALA Promotions at ng ABS CBN Sports.
- Latest
- Trending