^

PSN Palaro

Wushu artist nagwagi ng gold sa China tourney

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na edisyon ng World Juniors Wu­­shu Championships ay nakapag-uwi uli ang inilabang Pambansang delegasyon ng ginto na ginawa sa Macau, China mula Setyembre 17 hanggang 25.

Si Alieson Ken Omengan, isang 14-anyos na junior high school estudyante ng San Jose School of La Tri­ni­dad sa Benguet ang siyang kumuha ng ginto sa pa­boritong nannquan (wooden stick).

Umabot sa 11 ang naglaban-laban sa nasabing event at si Omengan na isang double silver medalists sa Philippine National Games, ay nakakuha ng 9.31 puntos upang manalo sa labang hatid ng manlalaro mula Korea (9.28) at Vietnam (9.27).

Ito ang ikalawang medalya ni Omengan sa pandaigdi­gang torneo matapos manalo pa ng pilak sa nanquan.

“First time ko po na maglaro sa international tournament pero may confident ako dahil maganda ang training ko,” wika ni Omengan.

Noong 2010 sa Singapore ay nanalo rin ng ginto si John Keithley Chan sa spear play event upang patuloy na maipakita ng Pilipinas na may mga panlaban pa ito sa susunod na malakihang torneo.

Ang 12-anyos na si Faith Liana Andaya, na nanalo ng tatlong ginto sa nakalipas na PNG, ay kumulekta pa ng isang pilak sa larangan ng girl’s jianshu habang ang mga sanda artist na sina Noel Alabata at Jean Claude Saclag ay nag-uwi ng bronze medals sa men’s 48 at 56 kilograms division.

Ito na ang pinakamagandang pagtatapos ng dele­gas­yong inilaban ng Wushu Federation of the Philippines (WFP) sa pangunguna ng kanilang pangulong si Tan She Ling at secretary-general Julian Camacho dahil isang ginto at isang bronze me­dals na nasungkit noong 20­10 edisyon. (AT)

FAITH LIANA ANDAYA

JEAN CLAUDE SACLAG

JOHN KEITHLEY CHAN

JULIAN CAMACHO

NOEL ALABATA

OMENGAN

PHILIPPINE NATIONAL GAMES

SAN JOSE SCHOOL OF LA TRI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with