^

PSN Palaro

SBP umaasa pa rin na maibibigay sa Pinas ang hosting para sa 2013 FIBA Asia C'ships

- RC - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umaasa ang Sama­hang Basketbol ng Pilipi­nas na kaagad silang maiimpor­mahan ng FIBA-Asia Executive Board kung may pagbabago sa pamamahala sa 2013 FIBA Asia Men’s Championships.

Matatandaang ibinigay ng FIBA-Asia Executive Board sa Lebanon ang ka­rapatang pangasiwaan ang naturang qualifying tournament para sa 2014 FIBA World Cup.

Isang liham ang sinabi ni SBP executive director Sonny Barrios ang ka­ni­lang ipapadala kay FIBA-Asia secretary-general Hagop Khajirian.

“We would be grateful if you can inform to us by way of a written note that the Philippines is the alternative host for the 2013 Fiba-Asia Championship For Men as decided by the Fiba-Asia Executive Board in its meeting last week,” ani Barrios sa bahagi ng naturang liham na kanilang binalangkas nina SBP vice-chairman Ricky Vargas at dating FIBA-Asia secretary-general Moying Martelino at pinanalisa ni SBP president Manny V. Pangilinan.

Kung sakaling hindi ma­kakaya ng Lebanon na pangasiwaan ang naturang torneo, ang Pilipinas ang pinili ng FIBA-Asia Executive Board na ma­ging ‘se­cond option’.

Ngunit hihintayin pa ng SBP ang dalawang liham mula sa FIBA-Asia Executive Board.

“Hihintayin pa natin ‘yung written note confir­ming na tayo ang alternate host. Iyong pangalawang sulat, on or before November 30 ay malaman natin kung ini-exercise ba nila ‘yung tinatawag na default option. Hinihiling natin ‘yung November 30 para lang magkaroon tayo ng tamang panahon ng paghahanda kung tayo ang hihirangin,” ani Barrios.

Matapos namang ma­ging fourth-placer sa nakaraang 4th FIBA-Asia Cup sa Tokyo, Japan, tinitingnan ng SBP kung paano mas palalakasin ang Smart Gilas Pilipinas 2.0 ni head coach Chot Reyes.

ASIA

ASIA CUP

ASIA EXECUTIVE BOARD

ASIA MEN

CHOT REYES

FIBA

FIBA-ASIA CHAMPIONSHIP FOR MEN

FIBA-ASIA EXECUTIVE BOARD

HAGOP KHAJIRIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with