Docena, Acedo kampeon sa Shell chessfest

MANILA, Philippines - Inangkin ni Jerad Docena ang korona sa premier division, habang sinikwat ni Rowelyn Joy Acedo ang girls’ title via tiebreaks sa 2012 Shell National Youth Active Chess Championships sa SM Megamall Event Center sa Mandalu­yong City noong Linggo.

Umiskor ang sixth seeded na si Docena ng 3.5 points sa huling apat na rounds, kasama ang mga panalo kina No. 3 Ali Guya at No. 4 Alfer Joseph Fernandez, para tumapos na may 7.0 points sa round robin finals sa hanay ng 10 players.

Binigo ng Wesleyan College Manila student sina No. 10 McDominique Lagula at top seed Austin Jacob Literatus sa tiebreak para angkinin ang titulo.

Ang 14-anyos na si Do­cena na kumopo sa kid­dies national title noong nakaraang taon ay sumegunda kay Jan Nigel Galan sa Southern Luzon elims sa Batangas bago nagtala ng 3.5 points matapos sumuko sa opening round match kay Junmark Baldesimo noong Sabado.

Naduplika ni Docena ang ginawa ni GM Wesley So nang dominahin ni So ang juniors division bilang isang kiddie participant.

Ang fourth seeded namang si Acedo ay nakaba­ngon mula sa kanyang pagkatalo sa fifth round kay No. 2 Crizelle Geron matapos walisin ang sumunod na apat na rounds patungo sa kanyang tagumpay.

Show comments