MANILA, Philippines - Nanawagan si Senator Manny Villar sa kanyang mga kapwa government officials pati na ang mga nasa private sector na suportahan ang mga Filipino athletes partikular sa mga sports kung saan ang mga atleta ay nagtatagumpay sa mga international arena.
Isa sa mga sports na dapat bigyan ng suporta, ayon kay Villar, ay ang billiards na kanyang tinutulungan sa pamamagitan ng Villar Foundation.
“Gaya ng palagi kong sinasabi, itong bilyar ang sport na akmang-akma sa ating mg Pilipino sapagkat ito ay nalalaro ng bata, matanda, babae, lalaki at napatunayan na ng mga kagaya nina Efren “Bata” Reyes, Francisco “Django” Bustamante, Ronnie Alcano at Dennis Orcollo na dito ay kaya nating maghari sa buong mundo,” ani Villar sa opening ceremonies ng Villards Cup noong Linggo sa bagong bukas na Starmall sa San Jose del Monte, Bulacan.
Sinimulan ng Villar Foundation ang Villards Cup noong 2008 at naging regular na event na para sa mga top cue artists at sa mga nadiskubreng talento.
“Villards Cup is one of the sports-oriented programs of the Villar Foundation to encourage the youth to engage in sports, and keep them away from the streets and from illegal drugs,” sabi ni Villar Foundation managing director at dating Las Piñas Representative Cynthia Villar.
Kabuuang 16 pool players mula sa iba’t ibang bahagi ng Bulacan ang nakapasok sa Villards Cup leg para pag-agawan ang P300,000.
Tinalo ni Resty Labastida ng Bocaue si Victor Calipaya, 7-6; binigo ni Eduardo Lim ng Meycauayan si Jonas Paolo Ramos ng Baliwag, 7-0; giniba ni Egie Geronimo ng Marilao si Ronnel Datiles ng Plaridel, 7-5; at pinayukod ni Jordan Legaspi ng Bocaue si Jennalyn Francisco ng San Jose, 7-1.
Pinahiya naman ni Gary Esguerra ng Baliwag si Richard Aquino, 7-6, sinibak ni William Trinidad ng Angat si Jaypee Salih ng San Jose, 7-5, .