^

PSN Palaro

Villar nanawagan ng suporta para sa mga Pinoy athletes

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nanawagan si Senator Manny Villar sa kanyang mga kapwa government officials pati na ang mga nasa private sector na supor­tahan ang mga Filipino athle­tes partikular sa mga sports kung saan ang mga atleta ay nagtatagumpay sa mga international arena.

 Isa sa mga sports na dapat bigyan ng suporta, ayon kay Villar, ay ang billiards na kanyang tinutulungan sa pamamagitan ng Villar Foundation.

 “Gaya ng palagi kong sinasabi, itong bilyar ang sport na akmang-akma sa ating mg Pilipino sapagkat ito ay nalalaro ng bata, ma­tanda, babae, lalaki at napatunayan na ng mga kagaya nina Efren “Bata” Reyes, Francisco “Django” Bustamante, Ronnie Alcano at Dennis Orcollo na dito ay kaya nating maghari sa buong mundo,” ani Villar sa opening ceremonies ng Villards Cup noong Linggo sa bagong bukas na Starmall sa San Jose del Monte, Bu­lacan.

Sinimulan ng Villar Foun­dation ang Villards Cup noong 2008 at naging regular na event na para sa mga top cue artists at sa mga nadiskubreng talento.

“Villards Cup is one of the sports-oriented prog­rams of the Villar Founda­tion to encourage the youth to engage in sports, and keep them away from the streets and from illegal drugs,” sabi ni Villar Foundation managing director at dating Las Piñas Repre­sentative Cynthia Villar.

Kabuuang 16 pool pla­yers mula sa iba’t ibang bahagi ng Bulacan ang nakapasok sa Villards Cup leg para pag-agawan ang P300,000.

Tinalo ni Resty Labastida ng Bocaue si Victor Calipaya, 7-6; binigo ni Eduar­do Lim ng Meycaua­yan si Jonas Paolo Ramos ng Baliwag, 7-0; giniba ni Egie Geronimo ng Marilao si Ronnel Datiles ng Plaridel, 7-5; at pinayukod ni Jordan Legaspi ng Bocaue si Jennalyn Francisco ng San Jose, 7-1.

Pinahiya naman ni Gary Esguerra ng Baliwag si Richard Aquino, 7-6, sinibak ni William Trinidad ng Angat si Jaypee Salih ng San Jose, 7-5, .

vuukle comment

BALIWAG

BOCAUE

CYNTHIA VILLAR

DENNIS ORCOLLO

SAN JOSE

SHY

VILLAR

VILLAR FOUNDATION

VILLARDS CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with