^

PSN Palaro

16 bowlers mag-aagawan ngayon para sa tiket sa Poland tourney

- The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Ang 16 sa mga nangungunang bowlers sa bansa, sa pamumuno nina dating Asian Games gold medalist RJ Bautista at veteran international campaigner Liza del Rosario, ang maglalaban ngayon sa Bowling World Cup national championship sa SM Bowling North EDSA kung saan nakataya ang tiket sa Poland meet.

Ang mananalo sa men’s at ladies’ division ang kaka­tawan sa bansa sa 2012 BWC international finals na na­katakda sa Nobyembre 24 hanggang Disyembre 2 sa Sky Bowling Centre sa Wroclaw, Poland.

 Nagpagulong si Bautista ng isang 24-game series na 5269 pinfalls para banderahan ang pito pa sa quarter­finals, habang nagtala si Del Rosario ng 4174 pins sa 20 games sa pangunguna sa ladies’ division.

Ang iba pang bowlers na sasabak sa men’s class ay sina J. Em Ang, 5193; Chester King, 5159; Richie Pob­lete, 5080; Jeff Carabeo, 4999; JP Posadas, 4983; Jay Ar Tan, 4954; and Alex Ngoi, 4932.

 Ladies--Krizziah Tabora, 4052; Mades Arles, 4015; Rachelle Leon, 3881; Lara Posadas, 3867; Apple Posadas, 3821; Lovella Catalan, 3798; and Abbie Gan, 3731.

Ang mga quarterfinalists ay magpapagulong sa wa­long laro para madetermina ang top three finishers base sa kanilang total pinfalls. 

Ang top three ay maglalaban sa isang head-to-head, best 2-of-3 matches sa semifinal at final rounds.

Si six-time world champion at four-time World Cup king Paeng Nepomuceno ay hindi lumahok dahil siya ay nasa United States para sa isang advance coaching course.

ABBIE GAN

ALEX NGOI

APPLE POSADAS

ASIAN GAMES

BAUTISTA

BOWLING NORTH

BOWLING WORLD CUP

CHESTER KING

DEL ROSARIO

EM ANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with