Gilas 2.0 pasok sa semis
MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, tinalo ng Smart Gilas Pilipinas 2.0 ang Chinese-Taipei, 75-68, para umabante sa semifinal round ng 4th FIBA Asia Cup kahapon sa Ota Gymnasium sa Tokyo, Japan.
Nalimitahan ang mga Taiwanese sa 4 points sa unang limang minuto sa fourth period, itinala ng Nationals ang malaking 71-53 bentahe sa 3:51 nito matapos isalpak ni Gary David ang isang three-point shot.
Ngunit hindi kaagad bumitaw ang Taipei.
Isang 9-0 atake ang ginawa ng Taiwanese para idikit ang laro sa 66-71 mula sa basket ni Shih-Chieh Chien sa 1:52 ng laro.
At iyon na ang huling pagkakataon na nakalapit ang Taipei matapos silang magmintis sa 3-point line at magtala ng dalawang mahalagang turnovers mula sa mahigpit na depensa ng Gilas 2.0.
Isinalpak ni LA Tenorio ang dalawang freethrows, habang tumipa ng isang fastbreak layup si Jeff Chan mula sa agaw ni Gabe Norwood.
Nakatakdang labanan ng Nationals ang mga Iranians, umiskor ng 79-37 panalo laban sa Uzbekistan, sa semifinals ngayon.
Kumolekta si 6-foot-11 naturalized import Marcus Douthit ng 19 points, 18 boards, 2 steals at 4 blocks para sa Gilas 2.0, habang may 14 markers si David mula sa kanyang 4-of-9 shooting sa 3-point range.
Nakahugot naman ang Taipei ng 21 points kay Douglas Creighton.
Sinimulan ng Gilas ang kanilang pag-alagwa sa pagpapasabog ng 9-2 bomba may 4:46 ang nalalabi sa first half nang ilista ng Philippines ang unang dobleng pigurang kalamangan, 33-25 na tinampukan ng charities ni Larry Fonacier may 2:23 ang nalalabi sa nasabing period.
Smart Gilas 2.0 75 - Douthit 19, David 14, De Ocampo 10, Fonacier 9, Tenorio 9, Dillinger 5, Chan 5, Norwood 4, Thoss 0
Chinese Taipei 68 - Creighton 21, Lin 12, S. Chen 11, Tien 7, Wu 6, Mao 4, Chang 3, Lee 3, Tseng 1, Lu 0
Quarterscores: 10-13; 38-32; 54-53; 75-68.
- Latest
- Trending