^

PSN Palaro

Gorayeb natatanging coach na naka-2 peat sa Shakey's V-League

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagsungkit ng unang titulo ng Sandugo-San Sebastian ay ang makasaysayang kaganapan sa coaching career ni Roger Gorayeb sa Shakey’s V-League.

Tinapos ng Lady Stags ang laban ng Cagayan Valley gamit ang kumbinsidong 25-18, 25-22, 25-16, sa Game Two ng Finals noong Martes ng gabi sa Ninoy Aquino Stadium upang kumpletuhin ang 2-0 sweep sa best-of-three finals series.

Sa pangyayaring ito, si Gorayeb ang lumabas bilang natatanging mentor na nanalo ng magkasunod na titulo sa isang season sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza bukod sa ayuda pa ng Accel at Mikasa.

“Sa ipinakitang laro na­min, wala naman akong duda na hindi namin makukuha ang titulo,” wika ni Gorayeb na sa first conference ay pina­ngunahan ang Ateneo sa titulo sa first conference.

Star-studded naman ang Lady Stags para sa Open dahil nakuha nila ang mahuhusay na Thai imports na sina Jeng Bualee at Kaensing Utaiwan na siyang nanguna sa pag-atake at depensa ng koponan.

vuukle comment

CAGAYAN VALLEY

GAME TWO

GORAYEB

JENG BUALEE

KAENSING UTAIWAN

LADY STAGS

NINOY AQUINO STADIUM

ROGER GORAYEB

SANDUGO-SAN SEBASTIAN

SHAKEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with